INC
INDIFFERENT NOTHING COMPARE
CHRISTIAN JAY SOPE LAYA
Masakit man ngunit ang katotohanan ay talagang ganyan.Minsan kailangan nating madapa upang matuto tayong bumangon. Ang buhay ay isang dakilang paglalakbay naghahanap ng mga karanasang kahanga-hanga na magmamarka sa ating ispan. Ang mga tagpo sa ating mga karanasan ay wari'y pangil nabumabaon sa ating gunita na maaalala magpakailanman.
Nais kong umiyak at wakasan ang buhay ngunit napag-isip-isip ko, ako ay talo kung hihinto na ako. Marahil na papagod na ako at nais magpahinga dahil hindi naman ako robot na de makina. Marupok ako at sa pagdating ng araw ako'y magiging pulido.
Pumasok akong walang dala ni sangdakot ng kaalaman o karanasan at pilit akong lalabas dala ang mga karanasan na gagamitin kong sandata sa mapanghamong buhay. Magsisipag akong mabuti. Hindi ko bbiguin si ama't ina sapagkat sila ang dahilan ng pagsisikap ko na abutin ang aking mga nais. Nasa unang baitang palang ako ng buhay ni hindi pa ako nangangalahati. Susuko na ba ako?
Paano kung susuko na ako ngayon? May magbabago ba? Anong mangyayari sa mga pangarap ko at pangarap ng mga mahal ko? Sinong mag-aahon sa aming sawing buhay? Anong mukha ang ipanghaharap ko sa mapanghusgang lipunan? Paano na ako? Paano na sila?
Naninibago ako sa mga kalipunan ng mga katanungan na nakaumpok sa aking isipan. Ang sarap biyakin nitong ulo. Ang sarap ibenta ng kaluluwa ko sa demonyo. Ngunit kung gagawin ko ang mga iyon ay malamang talo ako. Hindi solusyon ang pagsuko para magapi ang mga pagsubok. Ang totoong solusyon ay ang kumilos ka at subukang magnilay-nilay. Masdan mo ang mga nagugutom, ang mga walang tirahan, ang mga ulila at pinabayaan. Masdan mo sila. Sumuko ba sila? Umatras ba?
Kung ikaw na kumakain ng sapat, may tirahan at may nagmamahal ay sumuko eh! nakakahiya naman sa kanila. Nakakahiya at masakit mang isipin tunay na talunan ka.
Sa bawat paggising ay biyaya. Huwag mong sayangin ang buhay, matuto kang makuntento at magpasalamat dahil hindi lahat nakakadilat pa kinaumagahan. Ang pagtulog daw ay OJT sa pagpapakamatay, di ba't nakakatakot?
Subukan mong pagmasdan ang kalikasan. Pakinggan mo ang huni ng mga ibon. Sa mga payak na kaligayahan nakahimlay ang dalisay na kahulugan ng buhay. Ang buhay ay mapayapa sa mga taong may adhika hindi nagnanasa sa mga yaman ng mundo na mapagkunwari.
Mabuhay ng sapat, mabuhay ng Tapat, harapin ang bukas ng may galak. Magdasal sa Diyos dahil sa mga biyaya. Ang buhay ay biyaya at ang mga pagsubok ay dumi lamang sa balat ng mundo. Kumilos ka at KUMILOS.
CHRISTIAN JAY LAYA
Mag-aaral ng Kasaysayan
Mindanao State University
Lungsod ng Heneral Santos
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento