Ang Kamatayan ng Pantas
Ang Kamatayan ng Pantas
Christian Jay Sope Laya
| Photo Credit:https: //en.wikipedia.org/wiki/The_Death_of_Socrates |
Madilim...
Katulad ng pagtakip ng buwan sa araw tuwing solar eclipse napakadilim. Di ko maaninag ang liwanag. Binalot ng sobrang kalungkutan ang masasayang dalangin ko sa Lumikha. Nabura sa aking kamalayan ang mga imahen ng masaganang kinabukasan.
Ang mga ibon na malayang lumilipad dumapo sa sanga ng kagubatang nakubli ay nagsilayas. Naubos ang saya sa pisngi ng dakilang pantas. Nakakaawa. Pinagmamasdan niya ang lumipad na mga pangarap na wari'y nawawala sa parang. Nalinglang siya. Naubos ang dahon na nagpapasigla sa matamlay na puso. Nais niyang kumawala ngunit and renda ng kamangmangan ay mahigpit na nakapulupot sa leeg niyang naaagnas.
Sa paglipas ng mga panahon ay nanabik ang kanyang mga adhika ngunit natatalo siya ng mga guni-guni ng nakalipas. Nagpupuyos sa pinakamataas na antas ang kanyang damdamin. Nakagapos siya sa tanikala ng mga maharika na ayaw sa kanyang pagtatagumpay. Umalis siya...
Lubos ang kanyang pagkasawi. Nag-aalala siya sa ugat ng kanyang kamalayan. Nahabag siya sa kanyang sarili, nais niyang tapusin ang lahat ng mga suliranin na nakapaligid sa malapiyestang pangrebolusyon. Lumiliwanag. Ang lungkot na sa mukha ay naging masayang pangbugad sa paparating na unos. Ang mga signos ng karamdaman ay nagamot at gumaling. Sa pagdaka'y nabunot ang tinik sa makipot na kaugatan, nakabara ito sa mahabang panahon. Hindi niya ang sigla sa puso nais niyang magwala. Magpapasadya siya ng disenyo na malapantasya mag-aaya sa sansinukob na samahan siya. Nababaliw......
Sa malahiganteng alon ng kamunduhan na pilit niyang tinatakbuhan ay pumailalim siya. Nais niyang umahon. Sumigaw siya sa katahimikan. Nakasalubong niya ang mga anghel ng kalangitan nagmamakaawa siya na siya'y samahan ngunit mabilis silang umalis. Sa kanyang gunita'y nakalimutan siya ng Lumikha at ang habag niya para lang sa iilan. Namasdan niya ang bata nakatulad niya'y tumatawa sa gitna ng mga trahedya sadya nakakawasak ng katinuan. Nakaratay siya sa banig ng kamatayan na dati rati ay nakalublob sa tubig ng buhay. Maawa kayo sa inyong sarili kayong walang pakialam sa nararamdaman ng mga musmos na bata na sila'y lalaki rin at magiging tagahawak sa kamay ng bayang nakapako sa sakit na nakabubulag. Asahan niyo sila sa mga panahon na kayo'y naagnas na dahil tulad niya'y mga lupa din kayo. Putik, marumi...

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento