Anihan

Anihan
Christan Jay Sope Laya


Madilim pa. Maiingay ang kalsada, maraming tao.


Mely, Lan! Lakaw na ta!


Sigaw ng mga Auntie, Angkol at mga pinsan ko dahil ngayon ay araw ng anihan sa bukirin ni Lolo Gorio. Masaya kaming pumupunta sa bukid noon, puno ng kuwento ang bawat paghakbang. Kanya-kanyang dala ng sako at may sumbrero pa. Nakadyaket at mahaba ang paghakbang.


Ang araw ng anihan ang pinakamasayang tagpo ng aking pagkabata. dito nahubog ang aking sense of responsibility at disiplina dahil umagang umaga pa lang ay kailangang gising ka na dahil iiwan ka. Malamig ang  hangin at kapag dumating na sa bukid ay diretso na sa pagpili ng linyang aanihin. Minsan dalawa o higit pa ang nakatukang linyang aanihin. Masaya ang bawat isa. Gabi pa lang nandoon na sina Lolo at ang iba pa upang bantayan ang bukid.


Kasama ang mga kapatid ko ay abala kaming binabalatan ang bunga ng mais na hinakot ni ama at ina. Minsa'y nasusugat na kami ngunit ok lang para sa tinapay na binebenta ni Nene Epen, ang ibang tinapay pinapautang niya.


Masaya ang buong bukirin para may pista palagi. Pagsapit ng tanghali ay tuloy pa rin ang trabaho kakain ng kaonti at balik agad sa trabaho. Ang iba dahil mabilis ay halos matatapos na at ang iba'y nangangalahati pa.


Pagdating ng hapon ay sinisimulan na ang pagsasako sa mga naaning mais. Sinusukat na ang mga mais na naaani at binabayaran ayon sa dami ng naani. Masaya ang lahat dahil mababayaran na ang kanilang hirap at pagod sa pag-aani ng mais. Isinasakay na sa trak ang sako- sakong mga mais at kasabay ng pag-uwi ng trak ay nakasakay din kami. Masayang-masaya ang lahat. Ang mga pinsan kong masayang-masaya na parang walang kapaguran.

Nang nagsitandaan na ang mga pinsan ko ay bihara na silang tumungo sa bukid. Kumunti na ang saya. Wala nang sumisigaw at nanggigising. Marami nang nagbago. Tumantanda na rin ni Lolo at huminto na sa pagbubukid. Wala ng pagtatanim at wala ng aanihin.





Christan Jay Sope Laya
Mag-aaral ng Kasaysayan
Mindanao State University
Lungsod ng Heneral Santos



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

DARANGEN: CSSH Early Bird by Christian Jay S. Laya

Ang Kamatayan ng Pantas